Nagtago sa likod ng silya si Ava. Hindi niya mapigil ang sobrang bilis na kabog ng kaniyang dibdib. Sa kisame ay naririnig niyang paulit-ulit ang isang kaluskos. Iniisip niya kung bakit pa niya naisip na pumasok sa bahay na iyon. Ano ba talaga ang humatak sa kaniyang mga paa.
Noong alas-dos ng umaga, ilang minuto bago nagumpisa ang ating kuwento, bumaba si Ava sa traysikel at nagbayad ng sitenta pesos. Ispesyal ang sakay dahilan sa wala masyadong sumasakay ng traysikel sa lugar na iyon, dahilan sa kaunti lang ang bahay doon. Siguro ay isa sa tatlo lamang ang kanilang bahay. Ang isa pang bahay doon ay wala nang nakatira- ilang taon na.
Naglakad siya lagpas sa talahib na binabaan, patungo sa kaniyang bahay. Madilim sa kalye dahilan sa di na ganun kaganda ang ilaw ng poste. Di naman kalayuan ang bahay niya pero medyo nakakatakot talaga ang daanan.
Tumunog ang kaniyang celfone. Dali-dali niyang binuksan ito. Sa pagmamadali niya ay nalaglag ito at tumalbog paikot sa isang gate. Biglang kinabahan si Ava. Ang gate nay un ay napapaligiran ng talahib at nababalutan ng baging. Ang celphone niya ay naroon- lampas sa gate at malapit na sa hagdan papasok sa bahay. Matagal niyang tinignan ang celphone mula sa gate. Tinignan niya ang pintuan. Madilim ang screen nito. Lalo siyang natakot dahil di niya alam kung nakasara ba ang pintuan sa likod nito o kung ang tinitignan niya ay loob na pala ng bahay.
“Kaya ko to!” sinabi niya sa sarili. Nataon na ang gate ng bahay ay hindi na nakakandado, dahilan sa nilooban na ito noon at wala ng may interes dito. Binuksan niya ng malaki ang gate at dali-daling pumasok sa bakuran. Nakaabot siya sa celfone. Pinulot niya ito at dali-daling tumalikod pabalik sa gate. Ngunit pagtingin niya rito, ito’y nakasara na muli. Sa tabi nito ay may naaninagan siyang madilim na pigura.
Sinalo niya ang kaniyang hininga at dali-daling pumasok sa bahay. BAMM. Sumara ang screen a pintuan sa likuran niya ng pagkalakas-lakas. Dahil dito ay medyo naputol ang kaba niya. Hindi siya sigurado sa kung anong nakita niya. “Wala yun.” Tinignan niya ang bahay. Marami pang nakapatong na tela sa mga kagamitan. Nagtaka siya kung bakit hindi nanakaw ang mga ito.
Kumaluskos ang pintuan.
Bigla niyang naisip. Kaya ba walang nangangahas na pumasok dito? Sa gate lang sila umabot? TAK. Natapakan niya ang isang bagay. Ito’y isang tirador. May bata bang pumasok sa bahay na ito?
Nagtago sa likod ng silya si Ava. Hindi niya mapigil ang sobrang bilis na kabog ng kaniyang dibdib. Sa kisame ay naririnig niyang paulit-ulit ang isang kaluskos. Iniisip niya kung bakit pa niya naisip na pumasok sa bahay na iyon. Ano ba talaga ang humatak sa kaniyang mga paa.
Kumiskis at kumiskis ang tunog sa pintuan. Sa sobrang pag-intindi ditto hindi niya na namalayan ang kamay na malapit ng pumatong sa braso niya.
“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaieeeeeeeeee!!!”
Nagising siya ng umaga. Sa tabi niya ay isang hardinero. May dala pa siyang mga kagamitan. Nakapatong ito sa lamesa. “Miss nahimatay ka kagabi. Naabutan ko kayo pumasok sa loob pagdating ko. Natakot siguro kayo.” sabi ng hardinero. Napansin ni Ava na sing-edad niya ang lalaki at may itsura ito. “Ako po ang bago niyong kapitbahay. Tagapagbantay ako nitong mansiyon. Aayusin ko po ito para sa mga amo ko na babalik na sa makalawa.” Wala na ang kaba sa dibdib ni Ava. Naisip niya na kahit anong bagay ay maaring iba ang maging paningin pag nasa takip ng dilim.
Some people call em kaboodles, others call em whatever else, but the most generic (I suppose) is Crocs. Obviously these ain't the original kind, as those have holes all over. These are crocs (also made of the rubbery plastic 'croslite') modeled after common leather and rubber shoe designs. These are way comfortable, very light and can hold their own in bad weather.
After four successful seasons of Sailormoon, the producers decided to move on to a new level by bringing back the ENTIRE sailor squad and introducing the viewers to a new world of sailor soldiers. To mark the change in tone, a new title was given to the shoe- Sailorstars. A new theme was drawn up, which catches the series up to all new viewers, featuring updated musicality and a more epic feel. The video below is not exactly the tv size version but an AMV edited by YouTube's GiorgioDaneri. I believe this does the theme more justice.
An anime produced by Pioneer (yes, the elctronics company), Sol Bianca was one of the darker series of its time. The opening sequence was quite powerful, music-wise.